Sunday, October 09, 2005

solitary standing...


when its over
will i feel peace?
will i feel madness?
will i feel pain?
will i be torn to pieces?
when it is all over
i hope i would be alone
with no one around
solitary standing at a place
above the maddening chaos
of a world
full of wicked thoughts and evil deeds
above them
there shall i find
eternal slumber.


indio - 1991 -

Saturday, September 10, 2005

patawad...

july 1995


madali sana ang paghingi
ng paumanhin
mula sa akin, para sa mga
kaibigang itinuring
sila ay aking nasaling
dahil na rin,
sa maling akala na kabaliwan
ko ay yakapin.

ngunit dadil na rin sa pagkakamaling
naisaad,
ako nga ba ginising o sadyaang
minulat?
na ang isang tulad ko ay di madaling
makipagbuslo,
sapagkat ang pananaw ko ay di hamak
na iba sa iyo.

datapwa't, nanlulumo ang
aking puso,
dahilan na rin sa aking
tigas ng ulo,
ang pang-unawang ipinagkait sana
ay akin ng makamtan.
hanggang kung saan ko maaaring ipaabot
inyong kapatawaran.

nag-iisa na lamang ang sa inyo
ay mahihiling
sana ay tanggapin ang kapatawaran sabay
ang pag-amin sa aking sala?
at sana kalakip nito ay ipataw na
sa akin ang katahimikan,
mamamaalam, upang sa muli't-muli ay wala na,
wala na kong masasaling.


INDIO

Wednesday, May 04, 2005

ako o ikaw

nasaan na nga ba ako
kung wala ang nanay at tatay ko
sino ang nagpa-aral
sa tulad kong wala sa sariling pag-iisip

pero bakit kung kailan wala na akong kailangan
at ang hiling ko lang
ay ang konting pagbubukas ng isip
ako ay tila walang maasahan kapiranggot man lang

wala ba talaga akong kuwenta?
at ganoon na ba talaga ako kahirap mahalin?
rebelde na nga ba talaga ako sa inyong tingin?
naiintindihan ko naman kayo, dahil mahal ko nga kayo

alam ko, nararamdaman ko
mauuna naman ako sa inyo
sana pagdating ng oras na iyon
eh maintindihan na ninyo ako

sana walang paninibugho, wala ring pagsisisi
dahil pagdating ng nakatakda
ako ay lilisan ng may ngiti sa labi
nakaharap sa langit

kapag ang taning ay nakatakda
sa puso niyo ay nakalagda
na minsan ako ay naging inyong anak
anak na baliw, luka-luka at bangkay na.


Indio


16 july 2001

Sunday, May 01, 2005

Isang kahilingan

kung ako ay bibigyan
ng karapatan
para sa isang kahilingan
mula sa makapangyarihan
hihilingin ko
ang sarili kong kamatayan
upang hindi na lumuha
at puso'y di na magdusa,
upang maghilom ang sugat,
at mawala ang hapdi,
at ang kakaibang sakit
na dulot ng tadhana.
sa paghihinagpis
ng damdamin,
akala mo ay tinutubuan
na ng patalim
upang takip ng dilim
sarili ay kay daling salingin.
may saya man daw
ang dulot ng buhay,
ako'y sawa na,
sa akin ay tila wala ng saysay
hindi na magawang
ako ay makapagpugay,
kaya nga ba't nakikiusap
pakibaba ang aking kilay.
buhay at kamatayan
ay kaya kong pagtawanan
kaya't huwag akong pagtakhan
awa mo ay sa iyo na lamang
ang kailangan ko ay katapusan
na sa tanging palagay
sa kamatayan lamang...
...matatagpuan.


indio


22 august 1996

kadiliman…

kadiliman
yumakap sa mundo
pero wala ni isa man na nakapansin
sapagkat ang lahat ay katahimikan
ang lahat ay nakahimlay
sa malamig na kandungan



indio


September 1991

ama(isa)...

ama namin
sumpain ninyo ako
mula langit hanggang impiyerno
ipinaubaya ako sa mga diyablo
pinatay ko ang anak ko
para sa ina ko
kahihiyan ay inaako ko
pati na rin ang kasalanan
ng mga katoto
handa na akong magbayad
dahil ako'y nagpabaya
naitulak ng demonyo
buhay ko man ay kulang
sa pagbayad sa dugo
ng aking anak
pakinggan ang paghihinagpis
kaluluwa'y di matahimik.
iniwan ng ama
anak sunduin mo na
ang iyong ina.


indio
7 december 1996

Ama (isa pa)

ama namin?
sinamba ko kayo
ngayon sinumpa n'yo ako
mula langit hanggang impiyerno
krus na pasan mo
inilipat sa balikat ko
s'yang bitbit ko sa araw-araw
mapapatawad n'yo pa kaya ako
sa pagpatay sa anak ko?
e, pano ko pa mapapatawad ang
sarili ko?
walang tukso, tumukso, nagpatukso?
sariling ina ang nanubok
dinaig pa ng diyablo
daig pa ng makapangyarihang kayo!
mapataunayan na mahal ko siya
at pinahahalagahan ang kahihiyan
nila!
ngayon aking malalaman
hindi pa pala sapat
na patunay ang pagkitil sa buhay
ng aking nasa sinapupunan
kailangan pa pala pati buhay ko
upang tantanan na ninyo,
at para na rin sa ikatatahimik ko.
amen? amen.
indio

11 december 1996

Panaghoy ni bunsoy

panaghoy at paghihinagpis
sa puso ay nakatusok
tila ba isang kris
na gamit pa ng ating
mga ninuno.
mga luha sa mata
ay hindi na tumila
parang dike sa isang lawa
na punung-puno
parang di mauubusan.
kinapa ko ang aking tiyan
may kakaibang nararamdaman
anak ko ay wala na
nilaglag sa sinapupunan.
sino ngayon ang may kasalanan?
ginipit ako.
ngunit sino pa ang ituturo
tapos na,
siguro nga,
para sa kanila.
wala na ang magdadagta
sa mabango nilang pangalan
binawela at itinapon
sa kung saang sukal
ay hindi ko alam.
ang tanging nalalaman
sa pag-iisa,
pag-pikit ko sa aking mga mata
naririnig ko siya
umiiyak, nagpapatahan
hindi ko matiis,
marahan,
tahimik,
sinundan ko ang panaghoy
ng aking bunsoy.

indio
December 1996