Tuesday, July 03, 2012

minsan nung isang araw na nakaraan na-isip ko na magsulat sa tabi ng kalsada sa may kasukalan di ko pansin mga paang padaan daan alam ko nakatingin mga mata nilang matatalim pakialam ko sa kanila tuloy pa rin ako sa aking pagsusulat nakahilig dito nakahilig doon pasasaan ba at matatapos din ang aking obra anak ng ... bigla naman umulan at lumakas ng hangin pero kaya ko talaga itong tapusin teka...nakikita ko ang hangin mga puno sa paligid humihiling sa hagupit ang kalasada unti-unti nagkakatubig pero bakit di ata ako nababasa? ang mga tao mabilis, nagkakandarapa, mga payong na nasisira tila di ako alintana... ako ba ay namamalikmata? sinubukan kong patirin ang issa pero tumagos lang anak ng.... paano ko pa ipapakita ang aking obra eh di talagang wala na nga tulala tulala NGANGA~~~ indio